Angelica sa relasyon nila ni Cholo Barretto: Magkakagulo ang mundo!

CHOLO BARRETTO AT ANGELICA PANGANIBAN

Magkarelasyon na nga ba sina Angelica Panganiban at Cholo Barretto? Ito ang tanong ng mga netizens matapos mag-post ng makahulugang mensahe ang aktres.

Sa kanyang Instagram story nag-post si Angelica ng litrato nila ni Cholo na may caption na, “Baby pudding” at “Now it’s out.”

Hindi nagbigay ng detalye ang dalaga kung ano ang ibig sabihin ng kanyang post pero ang paniwala ng kanyang followers, baka raw sila na ni Cholo. Mas lalo pang na-curious ang fans nang mag-post uli si Angelica ng, “Magkakagulo ang mundo.”

May post din ang kaibigan ni Angelica na si Angel Locsin sa IG para kay Cholo na nagsabing, “Congratulations” na naka-tag si Angelica.

Nauna nang natsismis na may relasyon ang dalawa nang kumalat ang mga litrato nila sa Siargao.

Read more...