Tsinugi na si Nadine Lustre sa 2019 Metro Manila Film Festival official entry ng VIVA Films na “Miracle in Cell No. 7” kung saan makakasama sana niya si Aga Muhlach.
Ito ang in-announce ng MMFF official na si Noel Ferrer base na rin sa ipinadalang sulat ng VIVA sa Selection Committee.
“Miss Lustre has begged off the project due to medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film,” ayon sa statement ng VIVA.
Inaprubahan naman agad ito ng MMFF officials dahil hanggang July 30 pa pwedeng magpalit ng mga artista ang mga producer ng napiling first four entries.
Si Bela Padilla ang papalit sa role ni Nadine sa pelikula ni Aga, “We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film’s artistry and commercial success,” sabi pa sa statement ng VIVA Films.
Maraming JaDine fans ang nanghinayang sa pagkakatanggal kay Nadine sa movie dahil ito sana ang kauna-unahang pagkakataon na magbibida ang dalaga sa isang MMFF entry.
May mga nang-intriga naman sa pagre-resign ni Nadine sa MMFF entry ni Aga na nagsabing hindi raw kasi nagustuhan ng aktres ang role niya sa pelikula dahil hindi naman talaga siya an bida rito kundi ang gaganap na young Nadine dahil ito ang makakasama ni Aga sa mga eksenang nasa loob na siya ng kulungan.
May nag-comment naman na mas bagay daw kay Bela ang role ng isang lawyer kesa kay Nadine dahil ito rin ang karakter niya sa Mea Culpa.