CLAUDINE, RAYMART wala ring paki sa kaarawan ng isat’t isa, nag-celebrate nang magkahiwalay

Siguradong hindi nagbatian ang nagkahiwalay na mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago noong nakaraang birthday nila, sabay silang nagdiwang ng kaarawan noong July 20 – pero magkahiwalay ang naganap na celebration. Raymart just turned 40 while Claudine is now 34 years old.

Matagal nang hindi nagsasama ang dalawa sa isang bahay, ang kanilang mga anak ay nasa pangangalaga ni Claudine ang the last news we heard, magsasampa na ng annulment case si Claudine anytime soon.

Gusto na rin daw nitong paghatian na nila ni Raymart ang kanilang mga ari-arian. Sa magkahiwalay na Instagram account, nakita namin ang ilang photos ng kanilang magkahiwalay na selebrasyon.

Si Claudine ay nagdiwang sa kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya, habang si Raymart naman ay sa isang restaurant with his relatives and friends.

( Photo credit to google )

Read more...