Maine, Carlo sumailalim sa acting workshop; umaming ‘awkward’ ang una nilang pagkikita

MAINE MENDOZA AT CARLO AQUINO

Sumailalim na sa matinding acting workshop sina Carlo Aquino at Maine Mendoza para sa pelikula na kanilang pagtatambalan.

Malapit na rin nilang simulan ang shooting ng “Isa Pa With Feelings” ayon na rin sa pahayag ni Carlo nang ma-interview sa isang event.

“Nagwo-workshop na kami. May mga sorpresa kaming inihahanda para sa inyong lahat, para doon sa movie. At saka mag-start kami first day, next week or next, next week,” sabi ng aktor.

Aminado ang aktor na sa una nilang pagkikita ni Meng at nakaramdam siya ng awkwardness, “Sobrang fun. Although nu’ng first few days namin, noong press con, pagkatapos ng presscon, nag-meet ulit kami, medyo may awkwardness. Pero naman sobra siyang kasama at very accomodating,” ani Carlo.

Ay, ngayong gabi pala sa sitcom ng GMA 7 na Daddy’s Gurl, pag-aagawan nina Ruru Madrid at Andre Paras si Maine, huh!

Read more...