Derek gagawan ng paraan para makasama si Kris sa ‘(K)Ampon’

DEREK RAMSAY

TULOY na si Derek Ramsay bilang leading man ni Kris Aquino sa horror film na “(K)Ampon” na entry ng Quantum Films sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Sabi ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso, “Yup. Hectic talaga (ang schedule) pero gagawa ng paraan.”

Nabalitang hindi magagawa ng aktor ang “(K)Ampon” dahil abala siya sa taping ng kanyang serye sa GMA 7 bukod pa sa iba pa niyang commitments.

Anyway, nang ianunsyo ang naunang apat na pelikulang kasama sa MMFF 2019 ay iisa ang tanong ng lahat, ‘di ba maysakit si Kris? Kakayanin ba niyang mag-shoot? Kaya ba niyang tapusin ang isang horror film?”

Tinanong namin si Atty. Joji kung bakit si Kris ang napili nila para sa kanilang entry, may kinalaman ba dito ang titulo nitong Horror Queen?

Sabi sa amin ng lady producer, “I just took a chance, requested her to read the script and she liked it.

When you do something you truly enjoy, it helps you heal.”

Dagdag pa nito, “Why Kris? Didn’t you just mention that she is the horror queen Regs?”

Sa susunod na linggo na ang shooting nina Kris at Derek ng “(K)Ampon”.

Read more...