“HONESTLY, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.” Yan ang pahayag ni Bea Alonzo tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila nila ni Gerald Anderson.
Nagulat si Bea nang tanungin siya sa panayam ng ABS-CBN kung alam niya ang balita na inamin na raw ni Gerald kay Dennis Padilla na nililigawan nito ang anak na si Julia Barretto na siyang itinuturong dahilan ng kanilang break up.
Sabi ni Bea, sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, tuloy pa rin ang kanyang buhay, “I’m moving forward. But siyempre di naman ako pwedeng magpakaipokrita.”
“Feeling ko pinalaki naman ako ng ABS-CBN na professional so I always have to show up regardless of whatever’s happening in my life,” dugtong pa ng dalaga sa nasabing interview matapos ang story conference ng kanyang bagong Kapamilya series.
Pahayag pa ni Bea, “Malaking bagay na nandiyan ang mga kaibigan ko. Malaking bagay na maraming nagki-care para sa akin. Nagugulat nga ako na maraming nagpapadala ng bulaklak, maraming nagte-text. Malaking bagay yun para sa akin.”