Maja nagsalita na sa hiwalayang Gerald-Bea

“AYOKO nang sumali. Masaya na ako!” ‘Yan ang sagot ni Maja Salvador nang hingan ng reaksyon tungkol sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Isa si Maja sa mga ex-girlfriend ni Gerald na napasama sa isang viral meme kung saan pinagsama-sama ang mga naging dyowa ng aktor na lahat ay naging model ng shampoo.

“Sa akin, kung puwede lang, wala na ako diyan,” ang hirit pa ni Maja nang makorner ng ilang members ng entertainment press sa ginanap na mediacon kagabi ng bago niyang serye na The Killer Bride.

Dagdag pa ng dalaga, “Sana hayaan natin sila lahat mag-heal dahil hindi madali ang may pinagdadaanan. Kaya huwag na tayong sumabay, huwag na nating gatungan kasi at the end of the day lahat tayo tao, nasasaktan at marami tayong bagay na mas kailangan pang asikasuhin na importante.”

Hiningan din siya ng comment sa viral video ni Vice Ganda sa It’s Showtime kung saan sinabi nito na ang pakikipaghiwalay sa isang tao na naging bahagi na ng buhay natin ay maaaring magbigay ng panibagong inspirasyon na pwedeng maging “the one.”

“Akin kasi parang kung minahal mo naman ‘yung tao, paano siya magiging pagkaka-mali eh, choice mo rin naman ‘yun at may natutunan ka so ‘yun, pero huwag na natin tawaging mali.”

May regrets ba siya sa kanyang mga past relationships? “Wala, kasi choice ko rin naman.”

Masaya na si Maja sa kanyang businessman boyfriend na si Rambo Nuñez pero nakiusap siya na huwag na siyang tanungin tungkol sa kanyang personal life lalo na about Rambo dahil hindi naman daw ito showbiz na tao.

Read more...