Piolo hinihintay na ang pagdating ng bagong dyowa

 

SINO kaya kina Shaina Magdayao at KC Concepcion ang tinutukoy ni Piolo Pascual sa kanyang Instagram post na may caption na, “Can’t wait for (fire at heart emoji).”

Kaya namin nabanggit ang pangalan ng dalawang aktres ay dahil pareho silang malapit sa puso ng aktor at kapag nababanggit ang mga pangalan nila ay iba ang ngiti ni PJ.

Halos iisa ang tanong ng IG followers ni Piolo, “Who’s the lucky lady?”

Sa huling panayam namin kay Piolo sa Sun Life Financial ay natanong siya kung may hinihintay ba siya o kung may nahanap na.

“You know, I’ve come to that point in my life na hindi ko iniisip yung mga set of requirements mo or values that I’m looking for in a girl.

“When it falls into place, when it happens, you don’t need to think of things. You have certain goals in life, but you just go with the flow, and if it happens, it happens.

“So, trabaho na lang muna… yung mga bagay na ‘yan mas maganda pag dumating nang kusa,” aniya.

Binanggit namin sa kanya ang pahayag din ni Shaina sa nakaraang presscon ng iWant digital series na Past Present Perfect kung si Piolo na nga ba ang kanyang “future” at sumagot ang aktres ng, “Tingnan natin.”

Napangiti rin si Piolo sa amin at nagsabing, “Let’s see the future.” Pero sabi ni Shaina ay hindi naman nanliligaw sa kanya ang aktor, pero malapit talaga sila sa isa’t isa.

Base sa pagkakaalam namin ay okay pa rin sina Piolo at KC hindi lang namin sure kung nagkukumustahan pa rin sila hanggang ngayon at kung may alam ang aktor sa rumored break up nina KC at Pierre Plassart. Base sa pagkakaalam namin sa mga nakarelasyon ng aktor ay sobrang minahal niya si KC.

 

Read more...