Ion Perez naglabas ng ebidensya para patunayang love na love si Vice

ISA pang “resibo” o ebidensya ang ibinandera ni Ion Perez o mas kilala bilang Kuya Escort ng It’s Showtime para patunayan ang pagmamahal niya kay Vice Ganda.

Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na litrato ni Ion na nagpakilig sa fans nila ng Unkabogable Star na naniniwala na matagal na talaga silang may relasyon.

Yes, nagpa-tattoo si Ion sa kanyang kaliwang binti n birth date ni Vice. At proud na proud niya itong ipinakita sa kanyang Instagram Story sa pamamagitan ng series of pictures na pinusuan ng libu-libong netizens.

Sa mga kumalat na litrato, makikita ang tatlong grupo ng mga numero sa binti ng 2018 Mr. Universe Tourism na pinaniniwalaang mahahalagang dates sa kanyang buhay.

At isa na nga rito ang tattoo na “03 31 1976,” na ang ibig sabihin ay March 31, 1976 na siyang birthday ni Vice.

Ang dalawa pang tattoo ng binata ay “08 04 1947” o Aug. 4, 1947 at “02 03 1952” o Feb. 03, 1952. Tanong ng followers ni Ion kung ano ba ang meaning ng mga petsang ito.

Maraming nagpatunay na kay Ion nga ang binting may mga tattoo dahil may mga netizens na nag-post din ng full body shots ni Ion na may kaparehong tattoo sa binti. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Vice at Ion sa tunay nilang relasyon pero marami ng ebidensyang lumabas na nagpapatunay na matagal na silang magdyowa.

Nagsimula lang sa tuksuhan sa It’s Showtime ang pagkaka-link sa dalawa na pinaniniwalaang nauwi na sa totohanan. Balitang botong-boto rin ang nanay ni Vice and vice versa.  

Read more...