Bitoy henyo na sa komedya, pang-best actor pa


SPEAKING of Alden, pinadama naman niya ang kanyang suporta sa pagbabalik ng GMA Picures nang dumalo siya sa premiere night last Tuesday ng pelikulang “Family History” na pinagbibidahan nina Michael V at Dawn Zulueta.

This is co-produced by Mic Test Entertainment, Inc. na pag-aari ng mag-asawang Bitoy at Carol Bunagan.

Eh, bongga ang feedback ng manonood sa pelikulang pinagbidahan, sinulat at idinirek at ipinrodyus ni Bitoy kung saan wala pa ring kupas ang husay ni Dawn Zulueta bilang aktres.

Hindi naman mabibigo ang manonood sa pagiging komedyate ni Michael V dahil lutang na lutang pa rin ang husay niya bilang henyo sa pagpapatawa. Pero pasado rin siya bilang dramatic actor kaya pwedeng-pwede siyang ma-nominate rito bilang best actor sa susunod na award season.

Kakaiba ang istorya ng “Family History” sa usual storyline na napapanood natin sa mga dramedy o drama-comedy na siguradong pag-uusapan ng publiko. Bukod dito, kinakitaan din ng kakaibang bisyon si Bitoy bilang magaling na director.

Panalo rin ang guesting ni Dingdong Dantes sa pelikula and yes, pati na ang eksena ni Eugene Domingo na sinamahan pa ng animation ang eksena nila ni Bitoy, huh!

Anyway, bukod kay Alden, ilan pa sa Kapuso artists na pinagkaguluhan sa premiere night ay ang real life lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, Thea Tolentino, Valeen Montenegro, Maureen Larrazabal, Boobay and Tekla, Kim Domingo at Diana Zubiri.

Showing na ngayon sa mga sinehan ang “Family History” na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board.

Read more...