INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang rason kung bakit uminom ng pesticide ang isang barangay chairman sa Negros Oriental.
Sinabi ng pulisya na inaalam kung ano ang dahilan ni Barangay Mabato chairman Sunny Caldero para wakasan ang kanyang buhay sa Barangay Awa-an, Ayungon, Negros Oriental matapos ang pag-inom ng pesticide.
Sinabi ni Col. Raul Tacaca, provincial police director, na pasok si Caldera bilang person of interest sa pagpatay sa apat na pulis.
Hindi naman kasama si Caldera sa mga kinasuhan kaugnay ng pananambang sa apat na pulis noong Hulyo 18.
Kinasuhan naman si Victoriano Anadon at limang miyembro ng New People’s Army (NPA).
Natagpuang nagsusuka si Caldera, 51, noong Lunes.
Dinala siya sa Silliman Medical Center Dumaguete City, Negros Oriental’s capital where he died.
Sinabi ni Capt. Romel Luga, chief ng Ayungon Police Station, na nakarekober sila ng lalagyan ng Karate Pesticide kung saan nanunuluyan si Caldera.
“There were witnesses who saw him buying a bottle of pesticide,” ayon pa kay Luga.