Julia dedma sa Gerald-Bea break up; umawra sa beach

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

Mukhang hindi naman affected si Julia Barretto sa pamba-bash sa kanya sa social media matapos madamay sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Sa gitna ng kontrobersya, nakapagpost pa si Julia ng kanyang sexy photo sa Instagram na kuha sa isang beach resort.

“We’re down to our last few days of shooting ‘Block Z’ and while it’s been quite busy and hectic again, I’m looking forward to my next beach trip,” caption niya sa kanyang IG post.

Kasama niya sa pelikulang “Block Z” ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Habang patuloy siyang ipinagtatanggol ng kanyang inang si Marjorie Barretto at iba pang kapamilya, tikom pa rin ang bibig ni Julia sa mga paratang sa kanya bilang third party sa break up nina Gerald at Bea.

Read more...