Maymay ‘asawa’ na ang tawag kay Edward: Wag n’yo siyang ilalayo…

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

Kilig overload ang fans ni Edward Barber when he celebrated his birthday sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay hosted by Jolina Magdangal, Karla Estrada and Melai Cantiveros.

Nagtilian ang MayWard fans nu’ng magbigay ng birthday message si Maymay Entrata kay Edward. Sabi ni Maymay sa kanyang video message, “Kunin mo na ang lahat kay Edward, ‘wag mo lang siyang ilayo sa akin.”

Hindi kinaya ni Jolina ang kilig na naramdaman niya sa sinabi ni Maymay.

“Kahit ano’ng mangyari, hindi naman ako lalayo sa kanya. ‘Yan po ang totoo. Whatever happens, kasi ang pinag-usapan namin a few days ago, if ever something happen, for example sa mga families namin, I need to exit showbusiness, I will make sure na I will still be there for her. Kahit wala na ang MayWard, may MayWard pa rin,” paniniyak ni Edward.

Bukod kay Jolina, ang saya-saya rin nina Karla at Melai para kina Edward at Maymay. Mas lalo pa silang nalurky sa kilig when they found out kung ano ang term of endearment ng magka-loveteam.

“Hi, Dodong. Ako nasabi ko na lahat sabi ko lang sa ‘yo, huwag kang susuko. At ngayon na 19 na siya, sana huwag magbago pero hahayaan niya ang sarili niya na mag-improve. Tsaka nandiyan lang ako sa kanya kapag kailangan niya ng guidance. Again, happy birthday Dodong. Tsuma!”

Ipinaliwanag ni Edward kung ano ang ibig sabihin ng Tsuma, “Ano lang ‘yun ni Maymay, parang pwedeng kahit ano. Pwedeng walang ibig sabihin. Parang, ‘O, eto, tsuma ‘to, tsuma ‘yan.’ Pero nag-search ‘yung fans hindi ko alam ‘to, pero ang tsuma sa Japanese, asawa. Hindi namin alam ‘yun.”

Sabi naman ni Karla, “Simple lang din si Maymay, e. Asawa na ang tawag (kay Edward), e. Ha-hahaha!”

Read more...