Megan, Kris, Rayver mananakot na sa ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’      

TINUTUKAN ng Kapuso viewers ang pagsisimula kahapon ng bagong afternoon suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Megan Young at Rayver Cruz.

Sa isang panayam, inain ni Megan na matatakutin siya pagdating sa mga usaping multo na siyang tema ng kanilang serye. Kaya naman effort talaga sa kanya ang bago niyang role sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

“The audience can expect a different feel to an afternoon soap. Usually afternoon soap operas are very high energy, there’s a lot of relationship drama.

“We still have that, we have the high energy, the relationship drama but we also have that extra factor that gives it its edge. It’s something that us as actors look forward to kasi may ibang aspect at nakaka-excite gawin ‘yung mga bagay na bago,” kuwento ng beauty queen-actress.

Gaganap si Megan sa serye bilang si Yvie, ang matapang at palabang asawa ni Matteo played by Rayver Cruz na pilit aagawin ng kanyang ex-girlfriend na patay na. Pero paano nga ba siya lalaban kung multo (played by Kris) na ang sumisira sa kanilang pamilya?

Abangan  ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Read more...