Duterte napakanta matapos ang Sona

By Leifbilly Begas July 22,2019
share this

Duterte napakanta matapos ang Sona

By Leifbilly Begas July 22,2019
share this

NAPAKANTA si Pangulong Duterte pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address kagabi.

Kinanta ni Duterte ang bahagi ng kantang “Ikaw” sa saliw ng Philippine Harmonic Orchestra.

Nadaanan ni Duterte ang orchestra na nakapuwesto sa labas ng main lobby ng Plenary Hall. Hindi naipasok sa loob ang orchestra dahil sa kakapusan ng espasyo.

Hindi roon nagtapos ang kanyang pagkanta at humirit ito ng isa pa.

Sumunod niyang inawit ay ay “Moon River”.

Nasabi pa ni Duterte kay Sen. Bong Go na sana ay maimbitahan ang ilan sa mga miyembro ng orchestra.

Tinugtog din ng orchestra ang kantang Ipaglaban Mo at pagkatapos ay umalis na ang Pangulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending