MULING lumayo sa critical level ng tubig sa Angat Dam at La Mesa Dam ngayong araw.
Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration tumaas ng 0.11 metro ang tubig sa Angat dam. Mula sa 161.45 metro noong Linggo ay umakyat ito sa 161.56 metro Lunes ng umaga.
Ang critical level ng Angat at 160 metro at ang normal operating level nito ay 180metro.
Ang tubig naman sa La Mesa dam ay 73.44 metro kahapon ng umaga umakyat ng 0.07 metro mula sa 73.37 metro noong Linggo.
Ang normal high water level ng La Mesa dam ay 80.15 metro.
MOST READ
LATEST STORIES