Isko mas dumami pa ang death threat mula sa mga sindikato sa Maynila

SA sobrang paghanga ng marami, hindi lang mga mamamayan ang pabor sa mga pogramang ipinatutupad ni Manila City Mayor Isko Moreno kundi pati ng mga kapwa niya city executive.

Leading by example nga ang pinaiiral ng dating artista, maging ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Pasay City ay gumaya na rin sa paglilinis ng mga bangketa weeding out the illegal vendors.

But at the risk of being labelled as his PR man, wala ka-ming kuneksiyon kay Mayor Isko save for the common roots we share: showbiz.

Sa tindi nga ng impact ng mga ginagawa niya—and what appears to be an unparalleled feat never before achieved under the previous administrations—ay sagana ngayon ang original Tondo boy sa mga death threats.

Hindi na bago ang ganitong pagbabanta. ‘Ika nga, it’s part of the territory, lalo’t sa pagsasagawa ni Mayor Isko ng kanyang mga hakbang ay mga bigating tao lang naman ang kanyang nasasagasaan.

May personal kaming kuwentong ibabahagi para susugan ang pahayag ni Yorme na talagang hindi naman naghihikahos sa buhay ang mga nangangalakal sa mga bangketa. This is to disprove former Mayor Erap Estrada’s assertion na kesyo wala nga raw pambayad ang mga ito ng buwis sa munisipyo.

Between Erap and Isko, mas may semblance of truth ang si-nabi ng huli that the vendors are rich enough to pay tens of thousands of pesos in rights para sa kakapirangot na puwesto.

Between the two, si Isko ang namuhay nang napakatagal na panahon sa Maynila. He breathed its stench sa kanyang tinirhan yet embraced it. Thanks to his childhood: namasura noong siya’y batang paslit, nagmaneho ng padyak (pedicab), natuto ng lengguwahe at pamumuhay tulad ng karaniwang Manila Boy exposed to the harsh realities of life.

Si Erap ba’y saan namulat ang kaisipan?

Back to our personal input. Before she had gone on an early retirement ay nasa treasurer’s office ang aming ina. Her job, which began at the crack of dawn, entailed collecting fees from the vendors na diretso sa munisipyo.

Kung bakit madaling araw ay dahil ‘yun ang simula ng hanapbuhay ng mga nagtitinda sa loob ng palengke, sa mga bangketa at sa kung saan-saan.

We bore witness to a couple of wet section vendors (sa tuwing nagta-transact kami sa isang banko malapit sa palengke) na kung magdeposito’y tila sila lang ang dapat asikasuhin ng teller. Almost dressed in tattered clothes and soiled rubber slippers, either may mga dugo-dugo pa ng kanilang mga paninda ang mga peso bills in assorted denominations or bayung-bayong kung magdeposito sila.

Yes, daig pa nila ang mga nag-oopisina or those in the corporate world whose children they could afford to send to the most expensive schools taking up the most expensive college courses.

Kaya hindi totoong nasa poverty level sila. Dahil sa kanilang tiyaga’t sipag kung kaya’t they’ve risen above it kung mahirap nga sila.

Now, for the death threats thing. Sa comment section nga sa post ng aming kaibigan—the current president of a reporters’ association based at the Manila City Hall—ang mga pagbabantang ‘yon sa buhay ni Mayor Isko ay pakana ng kanyang mga ka-laban who’ve seen a figurative death to their shenanigans.

Matakot si Isko kung wala siyang mga ganito as it only means he’s simply sitting on his ass and waiting for his next paycheque, kundi man nag-aantabay ng mga proyektong makukurap.

Sabi nga ng marami, hinay-hinay lang daw si Isko sa kanyang pagpapakitang-gilas. Napaghahalata raw kasi ang kawalan ng silbi ng ibang mga city executives na nang maupo’y puro hayahay na lang ang inaatupag.

Kundi man pangungurakot nang katakut-katakot.

Read more...