NAG-ALOK na ang gobyerno ng P1 milyon bilang pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga nasa likod ng mananambang sa apat na pulis sa Negros Oriental.
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na bumisita si Pangulong Duterte sa burol ng apat na nasawing pulis sa Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental, Sabado ng gabi para makiramay sa pamilya ng mga napatay na miyembro ng PNP.
“According to the Chief Executive, a P1 million reward will be given for the capture, whether dead or alive, of the masterminds, perpetrators, and main shooters of the four police intel personnel. A P50,000 reward, on the other hand, will be given for the capture, of all the conspirators involved in this felonious activity,” sabi ni Panelo.
Nagpatawag si Duterte ng Command Conference kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kung saan tinalakay ang insidente.
“The Office of the President expresses its condolences to all the loved ones of the slain policemen even as we condemn in the strongest terms their treacherous slaying. We will ensure that justice will be served to those behind this condemnable offense against our peace enforcers. The full force of the law will come crushing down on the perpetrators,” ayon pa kay Panelo.