Pacquiao wagi via split decision kontra Thurman

PINATAHIMIK ni Manny Pacquiao si Keith Thurman matapos itala ang split decision panalo sa kanilang World Boxing Association welterweight title fight na ginanap Linggo (PH time) sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nakuha ni Pacquiao ang 115-112 iskor mula sa dalawang hurado na sina Dave Moretti at Tim Cheatham habang ang judge na si  Glenn Feldman ay pumabor kay Thurman sa  iskor na 114-113. Sa scorecard ng Bandera ay lamang si Pacquiao, 115-112.

Bunga ng panalo umangat ang kartada ni Pacquiao sa 62-7-2 habang si Thurman ay mayroon na ngayong 29-1 win-loss record.

Itinala rin ng 40-anyos na si Pacquiao ang knockdown sa unang round sa pamamagitan ng matinding right hook sa mukha ng 30-anyos na si Thurman.

Ito rin ang ikatlong sunod na panalo ni Pacquiao matapos na magwagi kina Lucas Matthysse at Adrien Broner.

Ayon naman sa punch stats na inilabas ng Compubox, mas maraming binitawang suntok ang Pinoy boxing champion kontra kay Thurman,  686-571, bagamat 195 lamang dito ang tumama kumpara sa 210 ng Amerikanong boksingero.

Read more...