Yasmien magpapakalbo para da serye ng GMA

YASMIEN KURDI

BINIGYAN agad ng bagong teleserye si Gabbi Garcia ng Kapuso Network dahil balitang tuluyan nang na-shelve ang sinimulang programa ng dalaga na Rosang Agimat.

Hindi na muna itutuloy ng GMA ang nasabing serye dahil namatay na nga ang premyadong senior actor na si Eddie Garcia na kabilang sa cast.

Makakapareha naman ni Gabbi si Derrick Monasterio sa bago niyang teleserye kung saan makakasama rin sa cast sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Valeen Montenegro at Victor Neri, directed by Mark Reyes.

Sa ginanap na storycon ng serye last Friday, nakausap ng GMAnetwork.com si Yasmien na nagsabing handa raw siyang gumawa ng mas mapangahas na roles kung kakailanganin. Balitang kailangan daw siyang magpakalbo sa bagong teleserye ng Siyete.

“Dati ko pang gustong gawin pero wala lang chance. But I’m open to possibilities. Gusto kong mag-try naman ng bago. Para maiba, maiba ‘yung role, ‘yung path ko. I am willing to do anything about my path,” ani Yasmien.

Nakapag-post na noon ng litrato si Yas na kalbo siya pero prostethics lang ‘yon para sa isang TV guesting niya. But now, she’s willing to do it for art’s sake.

Read more...