Jon Lucas sumabak na rin sa military training

JON LUCAS

KAHIT matinding pagod at hirap ang dinanas ng dating Hashtag member na si Jon Lucas sa military training para sa Pinoy adaptation ng Korean series na Descendants of the Sun, sulit na sulit naman daw experience.

Pinadalhan kami ng manager niyang si Ms. Becky Aguila ng litrato ni Jon na talagang puro putik ang katawan sanhi ng rigid training na pinagdaanan nila sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija (dito rin nag-training si Angel Locsin para sa The General’s Daughter).

Ipinost din ni Jon sa kanyang Instagram ang mga litratong kasama sina Dingdong Dantes, Paul Salas, Rocco Nacino at iba pang members ng cast ng DOTS.

Caption dito ng aktor, “Trained with the AFP’s best company. The SPECIAL FORCES! Sa loob ng dalawang araw, OPO 2 days lang, pero parang 2 weeks bugbog ‘yung isip at katawan mo sa exercises/activities at sa pag-iisip kung paano mo gagawin ‘yung susunod na mga challenges.

“Sabi ko nga. Ito na ang pinakamahirap (sa ngayon) na nagawa kong training sa buong buhay ko, buti nalang at andon ang mga classmates namin na nagpapalakas ng loob namin sa tuwing nakikita kaming nahihirapan na. Kaya Salamat Sainyo!!

“Pero ganu’n pa man lalo lamang namin napatunayan na ang sakripisyo ng ating mga sundalo para sa bayan ay hindi kailanman mababayaran.

“Handang iwan ang mga mahal sa buhay kahit gaano pa katagal, maprotektahan lang ang mga kababayan, at ma-secure ang sariling bayan. Bilib po ako sa inyo noon mas lalo na ngayon! Habang buhay akong sasaludo sa inyo mga Sir! Maraming salamat din po sa certificate na bigay niyo, habang buhay ko ipagmamalaki ‘yung DALAWANG ARAW NA TO!! Mahirap pero sobrang SAYA!!! #SFR#AFP #DOTS.”

Read more...