Ara Mina hindi na naghahanap ng boyfriend: Darating ‘yan sa tamang panahon

MAALINDOG pa rin si Ara Mina – ang binansagang Sex Goddess of Philippine Cinema ng kanyang henerasyon.

Hindi pa rin kumukupas ang kanyang karisma mula ulo hanggang paa. Taglay pa rin niya ang napakagandang mukha at makurbadang katawan.

Nangyari ang kanyang simpleng pictorial sa Long Beach San Vicente, Palawan last week, kasama siya sa ilang celebrity na naimbitahan ng kaibigang Dodj Mallari at SkyJet Air.

Ayon sa Aktres, kahit may isang anak na siya, bantay-sarado pa rin niya ang kanyang katawan at hindi niya talaga ito pinababayaan.

Masayang buhay din daw ang isa sa mga sikreto kung bakit napanatili niya ang kanyang fresh looking aura at pagkakaroon ng baby face.

Nang tanungin namin kung marami pa ring lalaki ang umaaligid sa kanyang kakaibang karisma, inamin nitong may mga dine-date siya. Pero diretsahan niyang sabi sa amin mas priority niya ngayon ang kanyang sarili, anak at ang kanyang mga negosyo.

Hindi na rin daw siya naghahanap ng boyfriend, aniya, kung may nakalaan daw talaga na para sa kanya, darating at darating ito sa kanyang buhay. Pero kung waley, okay lang din.

Meaning, hindi niya minamadaling magkaroon uli ng lovelife at sa panahong ito kuntento na siya kung ano ang meron siya. Bonus na lang daw kung may ibibigay pa sa kanyang lalaki na makakasama niya sa kanyang pagtanda.

Sinabi rin ni Ara na hindi pa rin nakakalimutan ng ama ng kanyang baby girl ang obligasyon nito sa kanilang anak kaya hindi naman siya nahihirapang sa mga pangangailangan ng bata.

Napakatotoong tao talaga ni Hazel Reyes (tunay na pangalan ni Ara), bukod pa sa napakabait at responsableng nanay kaya naman patuloy siyang bine-bless ni Lord.

Read more...