“HIINDI seloso si James (Reid)! Wala siyang dapat ipagselos!”
Iyan ang siniguro ni Nadine Lustre sa mediacon ng dance movie niyang “Indak” mula sa Viva Films.
Sa nasabing pelikula, ang singer-dancer-actor na si Sam Concepcion ang kapareha na matagal na rin nilang kaibigan ni James kaya naman may mga nang-iintriga na baka raw magkaroon ng selosan sa kanilang tatlo.
Pero sabi nga ni Nadine, kahit daw may mga sweet and intimate scenes sila ni Sam sa movie ay tinitiyak niyang maiintindihan ng kanyang boyfriend dahil nga hindi raw jealous type ang boyfriend niya.
Ang galing nila ni Sam sa pagsasayaw at pag-arte ang siguradong magmamarka sa mga manonood at hindi lang ang romantic scenes nila.
Pero kahit hirap sa mga eksenang nagsasayaw na talagang masakit sa katawan, feeling ni Nads kapag humahataw na siya at sige sa pag-indak, “Nawawala talaga ang stress ko!”
“Tsala talagang kapag passion mo, hindi ka magsasawa, hindi ka matatakot kahit na malaglag ka kapag may lifting, o masugatan ka kapag may minor mistakes. Ang sarap magsayaw lalo na kapag magagaling din yung mga kasama mo,” pahayag pa ni Nadine.
Ang “Indak” ay kinunan pa sa magandang isla ng Batayan, Cebu at meron din silang mga eksena na kinunan pa sa South Korea.
Kasama rin sa pelikula bilang member ng Indak Crew Pilipinas si Race Matias, anak ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista at dati nitong karelasyon na si Eloisa Matias.
La Salle graduate si Race at member ng kanilang dance group sa school. Member din siya ng Legit Status na nag-champion sa isang US competition.
Bukod sa pagiging magaling na dancer, graduate rin si Race ng Scriptwriting at Film Making sa New York Film Academy, New York at acting course sa Los Angeles, California.