‘Family History’ binigyan ng Grade B ng CEB; Dingdong agaw-eksena

MICHAEL V. AT DINGDONG DANTES

Graded “B” ng Cinema Evaluation Board ang upcoming debut film ng GMA Pictures at MIC Test Entertainment na “Family History.”

Ayon sa aktor, direktor at producer nitong si Michael V, tiyak na hindi lang ito pampamilya, makaka-relate rin dito ang mga kabataan, magkakaibigan at mag-asawa.

May special appearance rin sa movie ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na tiyak na ikatutuwa ng mga manonood. Nang ipasilip ito sa exclusive sneak peek video sa Facebook ng GMA, marami ang na-excite sa role ni Dingdong bilang si Dr. Nega.

Higit 500,000 views na ang video at marami ang humirit sa comments section na papatok ito sa takilya. Mapapanood ang “Family History” ngayong July 24 in cinemas nationwide.

Read more...