MAGANDANG balita: Tatanggap pa rin ang Social Security System (SSS) ng aplikasyon para sa kasalukuyang Contribution Penalty Condonation Program (CPCP) hanggang
Setyembre 6, 2019.
Matapos linawin ng Social Security Commission (SSC), ang policy-making body ng ahensya, sa pamamagitan ng Resolution No. 453-s.2019, ang deadline ng CPCP mula sa naunang nainanunsyo na Setyembre 1, 2019.
Binigyang daan ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 ang pagbibigay ng condonation program para sa mga employer.
Isinasaad sa transitory clause o Section 31 ng naturang batas na maaaring makapagbayad ang isang delinkwenteng employer ng lahat ng hindi niya nabayarang kontribus-yon sa SSS sa loob ng
anim na buwan matapos maipatupad ang batas.
Nilagdaan ang batas noong ika-7 ng Pebrero at ipinatupad noong ika-5 ng Marso.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pag-aaplay sa programa, ang mga interesadong employer ay maaaring bumisita sa pinakamalapit na sangay ng SSS, o tumawag sa SSS Call Center hotline sa telepono bilang 920-6446 ohanggang 55, o mag-email sa member_relations@sss.gov.ph. ###
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman,
Quezon City
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.