Ang feeling ng bashers ni Kakai Bautista ay napagsasamantalahan niya si Alden Richards.
In one video kasi, kung makayakap siya sa actor ay wagas kaya naman ito ang nasabi ng isang netizen, “Patay na naman sa mga basher si @kakaibautista nito, napagsamantalahan na naman si @aldenrichards02 eh.”
Nag-react agad ang komedyante na kasama sa “Hello, Love, Goodbye” and said, “Ang dumi ng word na napagsamantalahan. Iniisip ko tuloy lagi kung saan nakakabili ng gamot para sa malisyoso.
“Kase ang lala ng sakit na yun. Yung tipong yung tao nag-iisip, naglalagay ng meaning tapos sila din ang masasaktan. Pero bakit parang kasalanan ko?!??”
“MAKA-Lagot kayo sa akin akala nyo eh. I will never be sorry for loving and caring for a friend!
HABANGBUHAY KONG YAYAKAPIN si Baby ko sya Forever! At wala kayong magagawa dahil mabuti syang kaibigan sa akin!!!!! kung gusto nyo kayo din YAKAPIN KO! Tara!” dagdag pa niya.