Alden napa-throwback sa gamit na dumbbell: May sentimental value po kasi ito sa tatay ko

ALDEN RICHARDS

GAMIT-GAMIT pa rin ni Alden Richards ang isang lumang dumbbells kapag nagwo-workout siya sa bahay.

Base sa caption na inilagay niya sa isang video habang nagwu-work out, 20 years na ang dumbbells na ‘yon at meron itong sentimental value sa kanyang tatay.

“How nostalgic to still have these dumbbells after 20 years. May sentimental value kasi sa tatay ko… #HomeWorkout,” mensahe ng Pambansang Bae.

Samantala, sa nalalapit na showing ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye”, ilang mga kaibigan nilang celebrities ang tumutulong din sa social media promotion nito, kabilang na ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Sunud-sunod ang repost ni Shawie ng mga event kaugnay ng pelikula tulad ng pa-concert ng cast members bukas sa SM North EDSA Skydome at ang ibinigay na PG rating ng MTRCB sa movie.

Nakasama ni Sharon si Kathryn sa isang movie kaya anak-anakan na rin ang turing niya sa young actress.

Read more...