POSIBLENG maging bagyo ang low pressure area na nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical kahapon ng umaga ang LPA ay nasa layong 265 kilometro sa kanluran ng Sinait. Ilocos Sur.
Patuloy naman ang paglayo ng bagyong Falcon at nasa labas na ito sa PAR ngayong araw kung hindi magbabago ang bilis at direksyon.
Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras pa-hilaga. May hangin ito na umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
MOST READ
LATEST STORIES