Kitty type maging kontrabida; walang pakialam sa bashers


PATOK sa mga netizens ang vlog ng bunsong anak ni President Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte.

Usap-usapan ngayon sa social media ang paandar ni Kitty sa kanyang latest vlog entry kasama ang kaibigang si Kyra Valentin kung saan nagbigay ng ilang fun facts ang Presidential Daughter about herself.

Una na nga riyan ang trivia kung saan ba nakuha ang kanyang nickname na “Kitty”. Chika ng anak ni Pangulong Digong, ang dami-dami raw kasing nagsasabi na ang layu-layo naman daw ng Kitty sa Veronica.

Ayon sa dalaga, hindi raw sa pusa kinuha ang kanyang nickname kundi sa salitang “kiti-kiti”. Yes, ito yung tinatawag na “mosquito larvae” o yung maliliit na insekto na lumanguy-langoy sa maruming tubig.

“Nu’ng bata raw ako, super likot ko daw na parang kiti-kity and na-annoy sila to the point na tinawag na nila akong Kitty,” kuwento niya sa kanyang followers.

Sa tanong naman kung may plano ba siyang pumasok sa showbiz, wala raw ito sa priorities niya pero kung mabibigyan daw siya ng chance na umarte, mas gusto niyang gumanap na kontrabida dahil feeling niya mas challenging.

Para naman sa kanyang mga bashers na walang ginawa kundi ang laitin at okrayin siya sa social media, dedma na lang daw siya sa mga ito.

Feeling kasi niya, kahit ano pa raw ang gawin niyang paliwanag sa mga namba-bash sa kanya, hindi pa rin siya titigilan ng mga ito.

“Wala ka naman talagang magagawa kung ganun sila,” chika ni Kitty.

Dagdag pa niya, “Akin lang talaga, focus on the things that are more important in your life, like the things you value.

“Iniisip ko, ano bang ginawa nila para sa akin para bigyan ko sila ng attention? Wala.

“Kaya mas better kung i-focus ko sa mga tao na importante sa akin at may nagawang mabuti para sa akin,” pahayag pa ng bunso ni Pangulong Digong.

Read more...