Digital TV humahataw sa Pinas; TVplus naka-8M na


PATULOY na dumarami ang mga Pilipino na nanonood ng kanilang paboritong TV shows nang mas malinaw dahil walong milyong ABS-CBN TVplus boxes na ang naibenta at nagpapasaya nationwide sa viewers.

Sa loob ng apat na taon, maraming pamilyang may TVplus box ang nabigyan ng pagkakataon na makapanood ng maraming channels at shows, kaya naman kabilang ang TVplus exclusive channels sa listahan ng pinakapinapanood na channels sa mga kabahayan na naka-digital TV, ayon sa datos ng Kantar Media noong Q2 2019.

Nasa ikatlong pwesto ang CineMo sa listahan na naghahatid sa mga kalalakihan ng action-packed na mga pelikula, samantalang ikaapat na pinakapinanonood na channel naman ang YeY na handog ang mga shows na nakakatuwa at may kapupulutang aral ng kabataan.

Pasok din sa listahan sa ikalima hanggang ikawalong pwesto ang ABS-CBN S+A, Movie Central, Asianovela Channel at Jeepney TV.

Dahil sa naibentang walong milyong TVplus box, patuloy na nangunguna ang ABS-CBN sa paglipat ng buong bansa sa digital TV mula sa analog bago ang 2023.

Noong nakaraang buwan, inilunsad din ng Kapamilya network ang mobile version ng TVplus box na ABS-CBN TVplus box na maaring gamitin ng Android smartphone users para mapanood ang kanilang paboritong programa kahit saan sa TVplus coverage areas.

May 16 coverage areas ang ABS-CBN TVplus kabilang na ang Metro Manila, Bulacan, Batangas, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao.

ABS-CBN, na sa ngayon ay nagta-transition bilang isang digital company, ang unang nagpakilala ng digital terrestrial television o DTT sa bansa gamit ang ABS-CBN TVplus. Isa ang Teleserye King na si Coco Martin sa mga brand ambassador ng TVPlus na pinaniniwalaang malaking impluwensiya sa mga manonood kaya patuloy na umaariba ang digital TV.

Read more...