Angel aprub kay Jane de Leon bilang bagong Darna

ANGEL LOCSIN

APRUB din kay Angel Locsin ang pagkakapili sa Star Magic artist na si Jane de Leon bilang kapalit ni Liza Soberano bilang Darna.

Ang fiancé ng movie producer na si Neil Arce ang unang choice ng Star Cinema at ABS-CBN para sa pagbabalik ni Darna sa big screen pero nagdesisyon ang aktres na mag-resign sa proyekto dahil sa kanyang spine injury.

Sa Instagram post ng ABS-CBN Films officer na si Mico del Rosario, nag-comment si Angel sa pagkakapili nga kay Jane bilang bagong Darna.

“Congratulations, Jane De Leon,” mensahe ni Angel sa member ng all-girl group na GirlTrends na napapanood sa It’s Showtime.

Hindi lang si Angel ang bumati sa dalaga kundi pati na rin ang kanyang mga social media followers. Siyempre, may mga kumontra pero marami rin naman ang sumang-ayon sa desisyon ng ABS-CBN Films na bagong mukha ang magbida sa bagong movie version ng “Darna.”

Sa kanyang Instagram account naman ngayong araw, nag-post siya ng kanyang litrato na may caption na,

“MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA TIWALA! Pangako po na pagtratrabahuhan ko po ito at ibibigay ko ang lahat. #Narda #DARNA #SOON!”

Narito ang ilang comments ng kanyang IG followers.

Mula kay @charina_pineda, “Real beauty! Blessed are you and blessed are they in choosing you!”

Sabi naman ni @yehngstone, “OMG my baby! I like her since na nakilala ko sya sa showbez! Thousand and millions kisses and hug for you J! Congrats!”

Congrats @imjanedeleon!!! Can’t wait to see u shout and fly Darnaaaaa!” comment ni @alfredp212.

Komento naman ni @spocklamdragon, “CONGRATULATIONS! JANE. This DARNA Role will Surely Slingshot Your Showbiz Career to Stratosphere Level.”

Sa mga hindi pa nakakaalam, napanood na rin si Jane sa Kapamilya fantasy series na La Luna Sangre at sa seryeng Halik kung saan gumanap siya bilang kapatid ni Jericho Rosales.

Si Jane nga ang papalit kay Liza Soberano na umatras din sa nasabing proyekto dahil naman sa kanyang finger injury. Nagtungo pa sa Amerika ang dalaga para sumailalim sa surgery.

Si Jerrold Tarog ang magdidirek ng “Darna.”

Read more...