Sulat mula kay Lilibeth, ng Barangay 31D, First Poblacion, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay 23-anyos at nagtatrabaho pero hirap na hirap na ako dahil laging puyat. Panggabi ang trabaho ko. Okey na ito, kesa wala. Lisensiyadong technician ako pero hindi ito ang napasukan ko kaya nanghihinayang ako sa career ko. Hindi ako yayaman sa suweldo ko. Balak kong mag-abroad. Paano ba yumaman?
Umaasa,
Lilibeth, ng Barangay 31D, First Poblacion, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi ka yayaman sa trabaho, bagkus yayaman ka sa negosyo, ay iyan ang nais sabihin ng magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, gamitin mo lang ang kasalukuyan mong trabaho upang makaipon ng puhunan. Kapag may puhunan ka na, subukan mong magnegosyo na may kinalaman sa natapos mong kurso. Makikita mo sa ganyang paraan – ikaw ay yayaman.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kapag nakipag-boyfriend ka naman, siya ay may kaya sa buhay o mayaman, sa ganyang paraan, preparasyon sa pagyaman, dahil ang boyfriend mo ay may kaya sa buhay, mas madali kang yayaman.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.