HABANG papalabas ang bagyong Falcon ay nabuo naman ang isang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kung hindi magbabago ang bilis at direksyon ay nasa labas na ng PAR ang bagyong Falcon ngayong umaga.
Kahit nasa labas ng PAR ay palalakasin pa rin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw ang bagyo ay umuusad sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran. May hangin ito na umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Ang LPA na binabantayan ng PAGASA ay nasa layong 170 kilometro sa kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.