Pia Wurtzbach itinago ang ‘finger injury’ para matapos ang mga pictorial

HALOS isang buwan na palang may splint sa kanang kamay si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Pero in fairness, hindi naging hadlang ang injury sa kanyang daliri para gawin ang mga natanguan niyang commitments these past few weeks.

Sa Instagram post ng Kapamilya actress, ibinandera niya kung paano niya naitago ang kanyang finger injury para magawa at matapos ang mga naka-schedule niyang pictorial at iba pang trabaho.

Makikita sa IG Stories ni Pia na naka-bandage ang kanyang kanang kamay at may caption na, “Managed to conceal it this whole time. I’m just happy I’ll never have to pose with my right hand hidden anymore.”
“Trying to look cute for the airport. These next couple of weeks will be a little hectic but I’m ready!” dagdag pa niya.

At makalipas nga ang apat na linggo, tatanggalin na raw ang kanyang splint kaya muli na niyang maigagalaw nang normal ang kamay.

“Tomorrow it finally comes off. I broke my pinky finger,” mensahe pa ng beauty queen-actress.

Maraming netizens ang nagtanong kung ano ang nangyari sa daliri ng dalaga pero walang nabanggit na dahilan ang dalaga.

Humanga naman ang fans and followers ni Pia sa pagiging professional nito dahil kahit na nga may iniindang sakit ay tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho. No wonder na hanggang ngayon ay mabenta pa rin siya sa mga TV commercial.

Read more...