Hater kay Maine: Gamit pa more sa bulag at utu-utong ADN!

MAINE MENDOZA

Batikos ang inabot ng basher ni Maine Mendoza after itong magmahadera.

Reacting to a popular wesbite’s post about the presence of Arjo Atayde sa isang fund-raising project ni Maine, the basher said, “After makipag selfie kay Alden sa EB, kinabukasan kasama naman ang real life lover boy. Awww may patterns ka talaga girl. Gamit pa more sa bulag at uto utong ADN.”

Agad-agad ang sagot sa basher as someone said, “Kasinungalingan. Hindi sya nakipag selfie kay Alden. Si Ryzsa at Baste ang kasama nya sa selfie. Si Ryzza ang may hawak ng kamera at nung iikot ni Ryzza, nahagip si Alden sa napakalayong likuran. Hwag imbento.

“Napaghahalatang lahat ng ADN ay sinungaling. Hindi nga pinansin ni Meng si Alden nung nagpapacute oncam at may video yan. Yung selfie nila ni Ryzza at Baste, may video rin. Yung kasinungalingan mo ang walang resibo kasi imbento.”

“E ano naman kung nakipag selfie? Bawal ba? Lahat na lang ginagamit para i bash si Maine,” wailed another fan of Maine.

Thank you Maine sa magandang proyekto mo para sa mga nangangailangan. Continue being a blessing to others.

Read more...