Ex-Kapamilya actor lumipat na rin sa GMA 7

ANJO DAMILES

Si Anjo Damiles ang bagong lipat sa Kapuso Network matapos lumabas sa ilang Kapamilya shows.

Pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center kamakailan ang baguhang actor at inaasahan na mabibigyan agad ng magagandang proyekto very soon.

A homegrown Kapuso artist, si Gabby Eigenmann ang latest na nag-renew ng contract sa GMA. Bago matapos ang linggo, balitang ang Ultimate Star namang si Jennylyn Mercado ang magre-renew ng kanyang exclusive contract sa GMA.

‘Yun nga lang, may lumabas na report kamakailan na bumalik na sina Matt Evans at Rafael Rosell sa ABS-CBN. Hindi na bago ang rigodon ng mga artista sa mga TV network lalo na sa mga mainipin sa pagkakaroon ng trabaho at madalang pa sa patak ng ulan ang guesting o regular series. What else is new, ES? (Korak na korak ka diyan JN! – Ed)

Read more...