AlDub Nation tuloy ang laban para kina Maine at Alden: Kapit lang besh

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

AYAW pa ring patinag ng AlDub Nation fandom pagdating sa Twitter.

Para sa ADN, wala pa ring puwedeng makatalo sa pagiging phenomenal ng loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards. Ipinagdiriwang nila ngayon ang apat na taon ng anibersaryo ng kanilang pinakamamahal na loveteam.

Sa kanilang mga tweet gamit ang hashtag na #ALDUB4YearsUnrivaled, umabot na ito sa mahigit 300K na isa lamang patunay na buhay na buhay pa rin ang kanilang fandom.

Ayon sa isang loyal AlDub fan, “Individally your are great but together you are absolutely PHENOMENAL!”

Sabi naman ng isa pang ADN fanatic, “Wala pa ring makakawasak ng kanilang record sa mundo ng telebisyon. Sila pa rin ang phenomenal loveteam of all time!”

Sa totoo lang, kayang-kaya pa rin ng ADN na gawing number one ang AlDub loveteam gamit ang kanilang hashtag sa Philippine trends sa Twitter, huh! Kaya sa lahat ng ADN loyalists, kapit lang dahil mangyayari rin ang inyong hinihiling pagdating ng tamang panahon!

Read more...