NAMIMILI na lang talaga ngayon ng project ang seasoned actress na si Mylene Dizon.
Inamin ni Mylene sa isang panayam na nagiging choosy na siya ngayon sa pagtanggap ng role sa mga pelikula at teleserye. Talagang pinipili na lang niya ang kanyang tatanggapin.
“Oo, choosy na, lalo pa ngayon kasi nakakapagod din, eh. Nakakapagod ding lumuwas galing probinsya papunta sa Quezon City para mag-taping. Taga-probinsiya na ako, taga-Cavite.
“So, kailangang maging choosy and I really like spending time at home. Nagkataon lang na itong pagiging choosy kong ‘to, eh, choosy rin naman yung mga dumating sa aking project na hindi ko mahindian,” paliwanag ng aktres na napapanood ngayon sa Kapuso primetime series na Sahaya bilang si Manisan, ang nanay ng karakter ni Bianca Umali na gumaganap naman as Sahaya.
Si Mylene ang lead star sa 2019 Cinemalaya film na “Belle Douleur (Beautiful Pain)” na idinirek ni Atty. Joji Alonso kung saan leading man naman niya ang hunk actor na si Kit Thompson.
Ilan sa mga kino-consider niya sa pagtanggap ng role ay, “Saan ipapalabas, para saan. Siyempre, kasali rin kung sino ang co-actors. Natatakot kasi ako minsan, kasi mayroong mga project na wala naman silang pagpapalabasan, so kalagitnaan ng proyekto nauubusan din sila ng pera.
“So ikaw yung ano (apektado). Eh, papasukin mo yung character, eh. Importante sa akin yon. And of course, who’s directing, and siyempre yung kuwento, first and foremost sa akin yung kuwento. Kung walang kuwenta yung kuwento huwag na lang,” aniya pa.
Kahit sa pagpili ng teleserye ay talagang pinag-aaralan din ni Mylene, “Namimili ako. It has to be worth my time, because I’m 44 years old and my children are, I have a teenager na. I devoted 23 years of my life to this work. I think I’ve earned the license to somehow choose naman. I think, at least naman, di ba?”
Inamin din ng aktres na naisip na rin niya ang mag-retire sa pag-aartista, “I did, yeah! Kasi naman 23 years, that’s another journey naman kung nanay ako sa bahay. Hindi naman ako tutunganga at manonood ng Netflix buong magdamag.
“Gumagalaw naman ako sa bahay. Magawa ako, eh. Meron na akong 14 (years old) at isang 10 (mga anak), kaila-ngan naman nila ako,” chika pa ni Mylene.
Samantala, sa pagpapatuloy ng Sahaya sa GMA Telebabad, nagising na si Manisan mula sa pagka-comatose at mukhang mapipilitan na siyang ipagtapat kay Sahaya ang tungkol sa tunay nitong ama.
Si Harold (Zoren Legaspi) nga ba tunay niyang tatay? Matanggap kaya ni Sahaya ang katotohan tungkol sa kanyang pagkatao?
Hindi pa rin titigil si Irene para mawala sa buhay nila ni Harold si Ma-nisan. Sagad na sa buto ang galit niya sa ina ni Sahaya na siyang dahilan ng pagkasira ng kanilang pamilya. Hanggang saan aabot ang kanyang paghihiganti laban kay Manisan?
Samantala, dadagdag pa sa problema ni Sahay ang dalawang lalaking naglalaban sa kanyang puso, sino nga kaya ang pipiliin niya kina Jordan (Migo) at Ahmad (Miguel Tanfelix)? Yan ang abangan sa Sahaya after 24 Oras.