Alex may offer magpalaki ng boobs sa Korea: Nakaka-hurt!!!

“NAKAKA-HURT!” ‘Yan ang nagsusumigaw na sagot ng Kapamilya TV host-actress na si Alex Gonzaga nang makatanggap ng plastic surgery offer mula sa isang agent sa South Korea.Ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram Stories ang “nakakainsultong” balita na talagang ikinahagalpak ng kanyang social media followers.

Alam ng buong universe na isa ang South Korea sa mga popular “cosmetic surgery hub in the world” at marami talagang nagpapa-plastic at cosmetic surgery doon para magpabago ng itsura, kabilang na ang mga kilalang celebrities.

Ayon kay Alex, nakatanggap siya ng e-mail recently mula sa isang agent na naka-base sa Korea at nag-offer ng collaboration para sa bago nilang project. Nais daw nilang “doktorin” ang boobs ng sisteraka ni Toni Gonzaga.

Narito ang laman ng offer: “Collaboration Enquiry: Breast Implant. Dear Alex, I am a medical plastic surgery agent from Korea… We’re really loving your personality and enjoy following your journey on Instagram, Facebook, and YouTube. We are interested to collaborate with you for a new project we are working on.”

Ito naman ang nakakalokang reaksyon ni Alex, “Nakaka-hurt!! Hahahaha. Why would you think I need one!! Hanggang sa Korea nakarating to!?”

Hindi lang pala sa Pilipinas sikat ang mga pasabog at paandar ni  Alex sa kanyang YouTube channel, pati rin pala sa ibang bansa ay kilalang-kilala na siya. She has more than 3 million subscribers sa YT kaya naman napakaraming kumpanya ang nais makipag-collaborate sa kanya.

Read more...