Marian super proud sa best actor award ni Dingdong sa 3rd EDDYS

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

Proud wife si Marian Rivera sa pagkapanalo ni Dingdong Dantes sa katatapos lang na 3rd EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) bilang Best Actor for his performance sa pelikulang “Sid & Aya” ng Viva Films.

Ginanap ang awards night last Sunday sa New Frontier Theater at personal na tinanggap ni Dong ang kanyang bagong acting award.

Just like the two previous years, walang nakaalaam sa members ng SPEEd kung sinu-sino ang magiging winners after nilang magbotohan. At sa mismong awards night na lamang nila nalalaman ang mga nagwagi.

Halos kumpleto rin ang mga artistang binigyan ng EDDYS Icon award at bongga ang presence ng dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na siyang nag-abot ng plake sa lahat ng awardees kasama ang SPEEd President na si Ian Fariñas.

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng SPEEd at sa 3rd EDDYS Choice!

Read more...