Promise ni Maine: Lahat po ng kinita ng ‘Shop Bid Donate’ ay mapupunta sa ‘Happy Projects’

MAINE MENDOZA

LUMUTANG sa social media ang balitang sumuporta si Arjo Atayde sa Shop Bid Donate ni Maine Mendoza na ginanap last Sunday pero wala silang picture na magkasama.

Usually ay day off sa work ni Meng kapag Linggo pero hindi niya inalintana ang kawalan ng pahinga para isagawa ang makabuluhan niyang mga proyekto.

Kaya sa Twitter account niya kahapon, saad ng Phenomenal Star, “Thanks to everyone who came and showed support thru purchasing multiple items at #ShopBidDonate4 today.

“Rest assured proceeds will be used for ‘happy projects’ to help the less fortunate Thank you so much,” aniya pa.

Nagpasalamat din siya sa kanyang team na tumulong para maging successful ang kanyang charity event.
Sa latest tweet naman ni Maine kahapon, nagtiyaga siyang panoorin ang video ng foreign singer na si Jessee McCartney dahil hindi niya nalamang nagkaroon pala ito ng concert sa bansa kamakailan.

“I really love his songs and I dream to see him perform libe on day – and I just missed the chance. My teenage life is sad. Balik ka pls!” mensahe pa ni Maine sa kanyang Twitter.

Read more...