BURGER and fries ang bida sa “cheat day” ni Alden Richards.
Hindi madali ang ginagawang diet and exercise ng Pambansang Bae para ma-maintain ang kanyang leaner look ang younger aura.
“Na-realize ko talaga na kailangan mong ibigay sa katawan mo ‘yung kailangan niya, ‘yung malinis na pagkain.
“Intense workout and, at the same time, timed eating habit like intermittent fasting pinasok ko.
“’Tapos, one day cheat day. Siyempre, pupunta tayo sa pinakamalapit na fast food na may hamburger at french fries,” ani Alden sa isang panayam.
Kinailangan ni Alden na magpapayat para mas sumakto sa karakter niya sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” opposite Kathryn Bernardo. In fairness naman, puring-puri ng entertainment media at ng mga netizens ang itsura niya ngayon.
Sa interview naman ng Kapuso morning show ng GMA na Unang Hirit kay Kathryn kung saan nakasama niya si Alden para sa promo ng “Hello, Love, Goodbye” under Star Cinema, inilahad nito ang kanyang first impression kay Alden.
“Ako first impression ko sa kanya nu’ng storycon very mature, ‘yung matandang mature. Nag-uusap lang sila ni Inang at direk Cathy nakikinig lang ako, ‘mature siya ano?’ Mature siya pero fun, fun,” sey ng dalaga.
Sa guesting naman ni Kath sa Kapamilya morning show na Umagang Kay Ganda, inamin nito na kinabahan at na-tense siya nang malamang magsasama sila ng Pambansang Bae sa pelikula.
“Kinakabahan po kasi. Kinabahan ako noon hindi lang halata. Kasi sobrang stranger kami sa isa’t isa. Sinadya yata na hindi kami ipag-meet nu’ng miniting.
“So nu’ng first may tantiyahan, kapaan. Hindi ko alam kung paano siya kausapin. Pero naging okay lahat kasi si direk Cathy (Molina) nandiyan sila. Tapos naging warm at napaka-positive ng lahat so walang naging awkward sa aming masyado ni Alden at naging magkaibigan kami sa paggawa nitong movie,” aniya pa.
Kuwento naman ni Alden, ilang beses na silang nagkita ni Kathryn pero hindi naman sila nabibigyan ng chance na makapag-usap.
“Kami ni Kath nagkikita na kami sa mga event before. Sa awarding, awards night, pero ‘hi, hello’ lang talaga. Walang usap, ‘hi, hello’ lang. Courtesy lang. I’ve known Kath as very madaling, very magaan ang loob ko sa kanya, very sweet.
“Kaya hindi na rin ako nahirapan talaga na makibagay kasi ‘yun hinayaan niya lang ako and her team,” ani Alden.
Mas nakapag-bonding din daw sila habang nagsu-shooting sa Hong Kong, “Mabait naman po si Kath, palabati. Magaan po ang feelings ko towards her. Akala ko before na tahimik siya mahirap. Then after story con, nagkita na po kami sa Hong Kong, we started shooting, sobrang gaan lang po ng everyday,” kuwento pa ni Alden.
Showing na ang “Hello, Love, Goodbye” nationwide sa July 31.