Tinalo ni Dingdong sina Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Carlo Aquino (Exes Baggage), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us), at Paolo Contis (Through Night & Day).
Ang mga tinalbugan naman ni Kathryn sa Best Actress category ay sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Nadine Lustre (Never Not Love You), at Sarah Geronimo (Miss Granny).
Wagi rin bilang Best Supporting Actor si Arjo Atayde para sa “Buy Bust” at Best Supporting Actress naman si Max Collins for “Citizen Jake.”
Ang award-winning broadcast journalist at TV host na si Korina Sanchez-Roxas ang naging host ng gabi ng parangal.
Ang mga Kapuso stars namang sina Juancho Trivino at Arra San Agustin ang nagsilbing host sa 3rd EDDYS Red Carpet.
Isa sa most applauded highlight ng awards night ang tribute para sa EDDYS Icon awardee na si Eddie Garcia kung saan binalikan ang kanyang mga nagawang pelikula sa loob ng halos pitong dekada.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 3rd EDDYS Choice:
Best Actress: Kathryn Bernardo (The Hows of Us)
Best Actor: Dingdong Dantes (Sid & Aya)
Best Supporting Actor: Arjo Atayde (Buy Bust)
Best Supporting Actress: Max Collins (Citizen Jake)
Best Picture: Liway
Best Director: Joel Lamangan
Best Screenplay: Liway
Best Cinematography: Aurora
Best Visual Effects: Aurora
Best Musical Score: Bakwit Boys
Best Production Design: Goyo
Best Editing: Liway
Best Original Theme Song: Maybe The Night (Ben & Ben, Exes Baggage)
Best Sound: Bakwit Boys
SPECIAL AWARDS
Joe Quirino Award: Cristy Fermin
Manny Pichel Award: Ethel Ramos
Producer of the Year: Star Cinema
Rising Producers’ Circle: Spring Films and T-Rex Entertainment
Lifetime Achievement Award: Elwood Perez
Posthumous Award: Dolphy
BeauteDerm Red Carpet Choice: Lorna Tolentino
q q q
Isa sa mga highlights ng 3rd EDDYS Choice ay ang pagbibigay-parangal sa 10nirerespeto at tinitingalang alagad ng sining – sila ang 2019 EDDYS Icon honorees na pinagungunahan nina Amalia Fuentes (ang award ay tinanggap ng kanyang apong si Alfonso Martinez), Vilma Santos (hindi nakadalo), Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada (tinanggap ni Jinggoy Estrada), Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez (hindi nakadalo), Anita Linda (hindi nakadalo) at Lorna Tolentino.
Samantala, bilang bahagi naman ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, pinangunahan naman ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino ang pag-aabot ng plake sa mga tinaguriang “unsung heroes” sa likod ng kamera.
Sila ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng ‘di matatawarang oras, lakas at talento upang pagandahin ang isang proyekto sa loob ng mahabang panahon.
Kinilala sa gabi ng parangal ang mga honorees sa Parangal Sa Sandaan sa pangunguna ni Maroth de Leon (LVN Pictures), Digna Santiago (Premiere Productions) at Marichu Vera-Perez Maceda (Sampaguita Pictures), Armida Siguion-Reyna, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio at Rosa Rosal.
Ang 2019 EDDYS ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, sa ilalim ng direksyon ni Calvin Neria and presented by Cignal TV at mapapanood sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa July 21, 9 p.m.