Mura at masusustansyangpagkain para sa kalusugan

HINDI kailangan maging mahal ang pagkain para maging maganda ang kalusugan. Kadalasan pa nga, maraming murang pagkain na dinededma lang natin, pero higit pala ang sustansiyang naidudulot nito sa katawan.

Kaya nga kung hindi malaki ang budget sa pagkain, alamin ang mga pagkain na mura lang pero makapagdudulot naman ng sustansya sa katawan. Narito ang ilan:

1. Maberdeng gulay gaya ng repolyo, pechay, kangkong, malunggay, talbos ng kamote at ampalaya. Sagana ang mga ito ng bitamina, minerals at fiber.

2. Monggo, tokwa at tofu
Kasama sa beans family ang mga ito ay mataas sa protina at mayroong iron, folic acid at minerals.

3. Isda tulad ng sardinas, tilapia, galunggong at dilis. Taglay ng mga ito ang Omega-3 na tumutulong para makaiwas sa stroke, heart attack at mataas na cholesterol.

4. Kamatis, tomato sauce at ketsup
Mataas ang mga pagkain na ito sa lycopene na isang anti-oxidant.

5. Carrots
Taglay nito ang Vitamin A, C at E at panlaban ito sa kanser maliban pa sa mabuti ito sa iyong mata.

6. Kamote
Hitik ito sa Vitamin A, B6 at E.

7. Gatas at Keso
Maliban sa masustansiya ang mga ito ay may protina, carbohydrates, Vitamin B at calcium.

8. Saging
Mataas ito sa potassium at Vitamin B6 at mabisa itong lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura.

9. Nilagang mani
Taglay nito ang protina, minerals at good fats at mabuti ito para sa iyong utak at puso.

10. Maaasim na prutas tulad ng calamansi, dalandan at suha. Masustansya ang mga prutas na ito dahil taglay nila ang Vitamin C.

Read more...