NGAYONG araw, bababa na sa 158 meters ang critical water level sa Angat dam at kung hindi uulanin, papasok ito sa pinakamababang 157 meters sa Miyerkules o Huwebes.
Ibig sabihin, mara-ming mamamayan ang mawawalan o hihina na naman ang serbisyo ng tubig. At ang masakit, wala tayong magagawa kundi manalangin na malutas ito.
Pero, talaga namang super palpak at inutil itong MWSS sa nakalipas na dalawang dekada.
Napapaligiran tayo ng napakaraming mga ilog at watersheds sa Sierra Madre. Ayon sa mga water experts, merong 8-bilyon litro ng fresh water ang itina-tapon natin araw-araw mula bundok papunta sa Pacific Ocean galing Umiray, Kaliwa, Kanan at Sumag river sa Quezon. Nasayang din lalo dahil urung-sulong ang MWSS sa mga planong magtayo ng dams dito.
Noong 1995, isi-nabatas ang Water Crisis Act kung saan inaatasan ang MWSS katulong ang Maynilad at Manila Water na maghanap ng mga bagong pagkukunan ng tubig. Pero makalipas ang 24 taon, walang naging desisyong tapusin ang kahit isa.
Hindi natuloy ang Kaliwa dam sa ilalim ni PNoy, kahit ito’y PPP ng San Miguel Corporation, walang rehabilitasyong nangyari sa Wawa Dam sa Montalban, nahinto ang Sumag river diversion project sa Quezon.
Tanging ang 13-km Umiray-Angat transbasin tunnel na nagdagdag na 25% na tubig sa Angat dam ang natapos noong panahon ni FVR pero nasira ng supertyphoon noong 2004 dahil nagbara ang mga ang malalaking troso sa loob. Mula noon, wala nang naging aksyon.
Matapos magkaroon ng krisis ang Manila water nitong Enero, at unti-unting natuyo ang Angat dam, binalasa ni Pangulong Duterte ang MWSS na nagsumite naman ang kanilang bagong “water security roadmap”.
Palakpakan na sana, pero ang masakit sa 2023 hanggang 2027 pa ito mararamdaman. Kabilang diyan ang Kaliwa dam, Wawa dam, Sierra Madre at Kanan river.
Bakit ngayon lang kayo nagdesisyon? Noon pang 1990’s, nagdudumilat ang katotohanan na pwede ninyong kunin ang 2,000 (MLD) million liters per day sa Laiban Dam, 600 MLD sa Kaliwa Dam, 550 MLD sa Wawa dam at 190 MLD sa Sumag river at kung isasama ang Laguna de Bay ay 200 MLD.
Bale, dagdag na 3,000 million liters per day na tutulong sa 4,000 MLD ng Angat. Kung nagkataon, 7,000 MLD araw-araw na sobra-sobrang tubig ang nagagamit natin kahit u-mabot pa ng 40M ang mga taga-Metro Manila at karatig lalawigan.
Nagdaan sina Presidente Cory, Ramos, Estrada, GMA, PNoy at ngayo’y Duterte pero, pare-pareho nilang binalewala ang napaka-kritikal na isyu ng “water supply”. Ang daming naging lider pero sa 2023 pa mararamdaman ang solusyon sa krisis. Bakit pinabayaan ni-yong maging inutil ang MWSS?
Kung tutuusin, dapat kasuhan ang lahat ng mga pabaya at inutil na pinuno ng MWSS sa ila-lim ng Water Crisis act of 1994. Ito’y maliwanag na “criminal negligence” at ngayo’y nagdudusa ang sambayanang Pilipino. Isama natin diyan ang malaking kapabayaan din sa sinisingil na presyo ng tubig ng Maynilad at Manila Water.
Noong 1997, ang singil ng Maynilad ay P7.21/cu.meter, ngayon ito’y P35.48/cu.meter. Noong 1997 din, ang singil ng Manila water ay P4.02/per cu.meter ngayon, ito’y P30.33. MWSS, mahiya naman kayo!