Maymay sa relasyon nila ni Edward: Darating po yan sa tamang panahon


MARIING pinabulaanan ni Maymay Entrata na boyfriend na niya si Edward Barber.

Nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media ang dalaga sa grand presscon ng “Hello, Love, Goodbye”, very obvious na na-tense ito nang matanong tungkol sa kanyang ka-loveteam.

May mga chika kasi na sinagot na raw niya si Edward, “Huh! Kanino po? Sino po nagsabi? Hindi po! Alam ni Dodong (tawag niya sa young actor) kung ano ang mga priority ko ngayon sa buhay.”

Aniya, wala pa talaga sa isip niya ang pumasok sa isang serious commitment dahil marami pa siyang responsibilidad at pangarap sa buhay, “At alam niya (Edward) yung priority ko, siyempre family, work. Darating naman po yan sa tamang panahon.”

Dagdag pa ni Maymay, pareho sila ni Edward na focused ngayon sa kanilang trabaho at hindi muna nila iniisip ang tungkol sa lovelife. Basta ang importante, mas lalo pang tumitibay ang kanilang friendship.

Showing na sa July 31 ang “Hello, Love, Goodbye” nationwide starring Kathryn Bernardo at Alden Richards, directed by Cathy Molina.

Read more...