Babala kay Kris: Wag nang sumali sa MMFF, ibigay na lang sa iba ang ‘k(ampon’

SINUWERTENG nakapasok agad sa listahan ng mga pelikulang mapapanood sa MMFF ang proyektong pagsasamahan nina Derek Ramsay at Kris Aquino.

Script pa lang ng “K(Ampon)” ay pasado na agad, principal photography na ang sisimulan ng produksiyon, pero maraming nag-aalala na baka hindi matuloy ang partisipas-yon ni Kris sa pelikula.

Sa kanya rin naman kasi nanggagaling ang mga detalye ng kundisyon ng kanyang katawan, walang alam ang publiko kundi sila lang ng kanyang doktor, pero nalalantad ‘yun dahil na rin sa regular na pagpo-post ni Kris.

Maselan ang kanyang sakit, taas-baba ang kanyang blood pressure, konting bagay lang na madikit sa kanyang katawan ay sapat nang ika-maga ng kanyang mukha dahil sa kanyang allergies.

Ngayon ay nanawagan si Kris, tinatanong niya ang mga netizens kung puwede ba siyang gumawa ng pelikula, hindi raw niya ikagagalit ang anumang suggestion na matatanggap niya.

Siyam sa sampung tumugon sa kanyang panawagan ay nagsasabing huwag na, ibigay na lang niya sa ibang artista ang role, dahil baka malagay sa alanganin ang kanyang kalusugan.

Magpahinga na lang daw siya, huwag na siyang gumawa ng pelikula, ang una niyang dapat maging prayoridad ay ang kanyang kalusugan.

Read more...