Beauty queen pangarap makatrabaho sina Coco at Paulo

SINORPRESA ng Miss Philippines Foundation Incorporated (MPFI) president na si Vic Torre ang reigning queen ng Miss Philippines na si Cheska Loraine Apacible nu’ng dumating siya from her successful stint sa Miss Tourism Queen International 2019 Elite na ginanap sa China kamakailan.

Hindi napigilang umiyak ni Cheska, o si Kai sa kanyang pamilya at mga kaibigan, nu’ng salubungin siya ng kanyang mga magulang na nanggaling pa sa Batangas during the welcome party na ibinigay sa kanya ng MPFI.

“Hindi ko po akalain na darating sila dito,” mixed-emotions na sabi ni Cheska.

Nag-uwi ng karangalan si Kai bilang Miss Charity sa pageant kung saan si Miss China ang naging grand winner. Si Kai ay nagtapos ng Business Administration, Major in Human Resource Development sa Batangas State University.

Tatlong taon nang ginagawa ng MPFI ang Miss Philippines pageant sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism. Nanggaling mula sa Region 1 hanggang 12 ang mga kandidata ng Miss Philippines. And this year is the first year na si Mr. Vic Torre ang president

“Ang advocacy ko po is to promote the tourism po ng buong mundo especially po ang Pilipinas. There’s so much tourism spots na mas maipagmamalaki pa po ng Pilipinas beside sa Boracay and Palawan,” lahad ni Kai.

Plano rin ni Kai na subukan ang showbusiness after her reign, “Sana po makatrabaho ko si Coco Martin. Probinsyana naman po ako, e. I also admire James Reid and Paulo Avelino. Si Paulo long-long time crush ko po siya.”

READ NEXT
God above all
Read more...