Kasalang Joyce Ching-Kevin Alimon sa December wala nang atrasan

KEVIN ALIMON AT JOYCE CHING

December this year ang kasal ng Kapuso artist na si Joyce Ching sa fiancé niyang si Kevin Alimon.

Ayon kay Joyce nang makausap ng press sa taping ng Dragon Lady last week, Dec. 8 ang date ng kasal nila. Sa isang lugar sa Baguio magaganap ang wedding.

“Para malamig. ‘Yon lang talaga ang dahilan,” rason ng kontrabida ni Janine Gutierrez sa Dragon Lady.

Magiging bridesmaid ni Joyce ang Kapuso actress na si Thea Tolentino at makakasama rin ang mga naging co-stars niya sa youth oriented show nila noon sa GMA na Tween Hearts.

Tutok na tutok sila ng magiging asawa niya sa preparasyon ng kasal.

“Kami lang talaga (umaayos) kaya minsan nakaka-stress. Pero baka on the day ng wedding na lang ang coordinator.

“Wala naman kaming masyadong expectations except ‘yung fact na magli-live na kami together sa isang bahay,” sabi pa ni Joyce na nalulungkot na rin sa pagtatapos ng Dragon Lady.

Read more...