Gabbi, Khalil sa pagtatambal sa movie: Medyo weird, awkward!

GABBI GARCIA AT KHALIL RAMOS

EXCITED na kaming mapanood ang pelikulang “LSS (Last Song Syndrome)” na pinagbibidahan ng real life couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama ang dalawa on screen kaya kahit sila ay gusto nang mapanood ang kabuuan ng kanilang pelikula na isa sa mga kalahok sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Tatakbo ang kwento ng “LSS” kina Sara (Gabbi), isang aspiring musician na mai-involve sa binatang si Zak (Khalil) as they follow an upcoming indie-folk band. Inspired ang kwento ng pelikula ng mga kanta ng indie-folk band na Ben And Ben.

Nakapanayam namin sina Gabbi at Khalil sa grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino nitong nakaraang Huwebes kung saan inanunsyo ang nalalabing mga featured films na makakasama sa film festival ngayong taon.

Kwento ni Khalil, one year in the making ang “LSS” under the direction of Jade Castro, na isa sa unang tatlong pelikulang inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa 2019 PPP last March. Dapat daw kasi ay last year pa ito isasali.

Kumusta ang naging experience nila sa una nilang pelikula together at napasama pa sa PPP? “At first it was really weird. Awkward. Siyempre hindi naman kasi kami nagkakilala through showbiz. Very personal kaming dalawa at hindi kami masyadong public pagdating sa relationship,” panimula ni Gabbi.

Pero nag-iba raw ito matapos nilang gawin ang pelikulang “LSS”, “We changed it in a way na mas nakilala namin ang isa’t isa in terms of professionalism, in terms of being an actor. And it also helped us in a way.”

Wala namang nagbago after nila gawin ang pelikula dahil mas pinili nilang ihiwalay ito sa kanilang personal na buhay.

“Kapag nasa set kami, actor kami. Hindi kami in a relationship,” chika pa ni Gabbi.

For Khalil, sinabi niyang swerte siya kay Gabbi at naniniwala siya na although may advantage ang merging ng personal life nila sa work, magiging toxic lang din ito eventually.

“You can’t really merge your personal problems, your personal relationship into work kasi eventually, it will be toxic. It has it’s advantages but it’s not ideal,” sey pa ni Khalil.

Read more...